ganun talaga . We cannot please everybody. Yung iba siguro oo…, pero wag na lang umasa. Ano pa at bakit pa kailanagn umasa.
Diyan nga ako nasira dati ang umasa.
Bakit pa ako aasa sa mga tao . Na ang tao ang likha ng Diyos. Mas aasa ako sa sa lumikha sa ato..
Saka talagang ganun. Pag popular ka, sikat ka. mas madali kang marecognized ng tao. Hindi naman yun ang gusto ko.
Gusto ko pa din marecognize si Lord.
Alam ko dumarating sa punto na yung kahinaan ko ay biglang umaatake pero ito naman ay nilalabanan ko..
Minsan mas gusto ko na lang pumikit para hindi makita ang mga dahilan kung bakit ako nasasaktan at minsan hilingin na magka amnesia para makalimutan ang ;ahat. kaso paano yun kung ang nakikita ko ngayon ay higit na mas maganda dahil nariyan ang Diyos. At ayaw kong makalimot dahil baka kalimutan na din ako ng Diyos.
Oo, mahirap mabuhay pero ito yung dahilan para maging mas malapit tayo sa Kanya…
Ang kalaban ay nariyan lang.. pipilitin ka pa din niyang guluhin at sirain at ipaalala sa iyo ang masakit na pangyayari sa buhay mo. Kaya dapat kapit lang. Huewag bibitaw kahit mahirap..
Lord, help me na huwag maalala ang hindi maganda…







